Miyerkules, Nobyembre 16, 2016
Repleksyon
Sa kwento ng Butil ng Kape, Ipinapakita na ang kumukulong tubig ang siyang suliranin at ang carrot, itlog at butil ng kape ang nagrerepresinta sa atin kung tayo ba ay mabilis sumuko sa mga pagsubok, o nabibiktima ng sama ng loob dulot ng hindi pagkakaunawaan o di kaya'y tulad ng isang butil ng kape na siyang nagbibigay kulay at bango. Sumisimbolo sa pagiging matatag sa oras ng pagsubok, nasa iyong kamay kung paano mababago ang mga pangyayari sa paligid mo.
Ang mensahe nito ay kung paano natin haharapin ang pagsubok sa ating buhay. Ipinaliwanag ang ibat-ibang paraan kung paano haharapin ang mga suliranin na dumarating sa ating buhay. Inilarawan ito sa tatlong paraan: (1) sinubok ngunit sa simula lamang naging malakas at matatag sa hamon ng buhay ngunit nang lumaon ay naging mahina /marupok at tuluyang sumuko. (2) karamihan sa atin ay sobra kung magmahal, napakalambot ng puso ngunit ng sinubok na nang tadhana, hindi na muling magawa pang buksan ang puso para sa iba. (3) sinubok ng maraming problema ngunit sa halip na manlumo, magpaliwara sa buhay sumuko na lamang ay patuloy na lumaban hanngang sa makamit ang katagumpayan ng kanyang buhay.
Nasa sa ating mga kamay kung ano ang ating magiging kapalaran sa hinaharap. Tayo ang pumipili ng landas na ating tatahakin. Maganda man o hindi ang naging resulta ng ating desisyon nawa'y huwag tayong mawalan ng pag-asa sa buhay at patuloy na maniwala sa ating sariling kakayahan.
Buod ng Mensahe ng Butil ng Kape
Isang araw habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak sa hirap at pagud na kanyang nararanasan at ayon dito ay hindi iyon makatarungan.
Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina. Naglagay ang ama ng tatlong palayok ng tubig at ito'y pinakuluan. Sa unang palayok, nilagay ng ama ang carrot, sa pangalawa ay itlog at sa pangatlo naman ay butil ng kape.
Tinanung ng ama kung ano ang maaaring mangyare sa tatlong kanyang inilahok sa kumukulong tubig. Nagkibit balikat lamang ang anak at sinabing maluluto.
Pagkalipas ng dalawang minuto, pinalapit ng ama ang anak sa may palayok.
Tinanung ng ama sa anak kung ano ang napuna . Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot, ang itlog naman matapos balatan ay buo at matigas dahil sa pagkakalaga. Pagdating sa pangatlo, sinabi ng ama na higupin ang kape, kaya naman ang anak ay nagulumihanan kaya nagtanung ng "bakit?"
Dito nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog at butil ng kape.
Ang carrot sa una ay matigas, malakas at tila di natitinag subalit matapos mailahok sa kumukulonbg tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksyon sa likidong nasa loob nito ay naging matigas matapos pakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapaliut nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.
Matapos ang pagpapaliwanag ay tinanung ng ama ang kanyang anak kung alin siya sa nabanggit.
Nais ikintal sa isipan ng ama sa kanyang anak na ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape? tanong ng ama.
Sa pagkakataong yaon, nahinuha ng anak ang nais iparating ng ama sa kanya.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon na "ako ay magiging butil ng kape, katulad mo mahal na ama"
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)