Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

Repleksyon



            Sa kwento ng Butil ng Kape, Ipinapakita na ang kumukulong tubig ang siyang suliranin at ang carrot, itlog at butil ng kape ang nagrerepresinta sa atin kung tayo ba ay mabilis sumuko sa mga pagsubok, o nabibiktima ng sama ng loob dulot ng hindi pagkakaunawaan o di kaya'y tulad ng isang butil ng kape na siyang nagbibigay kulay at bango. Sumisimbolo sa pagiging matatag sa oras ng pagsubok, nasa iyong kamay kung paano mababago ang mga pangyayari sa paligid mo. 
     
            Ang mensahe nito ay kung paano natin haharapin ang pagsubok sa ating buhay. Ipinaliwanag ang ibat-ibang paraan kung paano haharapin ang mga suliranin na dumarating sa ating buhay. Inilarawan ito sa tatlong paraan: (1) sinubok ngunit sa simula lamang naging malakas at matatag sa hamon ng buhay ngunit  nang lumaon ay naging mahina /marupok at tuluyang sumuko. (2) karamihan sa atin ay sobra kung magmahal, napakalambot ng puso ngunit ng sinubok na nang tadhana, hindi na muling magawa pang buksan ang puso para sa iba. (3) sinubok ng maraming problema ngunit sa halip na manlumo, magpaliwara sa buhay sumuko na lamang ay patuloy na lumaban hanngang sa makamit ang katagumpayan ng kanyang buhay.
    
         Nasa sa ating mga kamay kung ano ang ating magiging kapalaran sa hinaharap. Tayo ang pumipili ng landas na ating tatahakin. Maganda man o hindi ang naging resulta ng ating desisyon nawa'y huwag tayong mawalan ng pag-asa sa buhay at patuloy na maniwala sa ating sariling kakayahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento